Sa pagbabago ng tuntunin ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa pagmungkahi sa pagsususog ng Saligang Batas, isang katotohanan ang kanilang inamin:
Upang magsusog ng Saligang Batas, kinakailangan na ang susog ay dumaan sa normal na paraan ng pagpapasa ng mga batas.
Para maging ganap na batas ang isang panukala, kinakailangang ipasa ito ng parehong Kapulungan. Kinakailangang sumang-ayon ang nakakarami sa Mababa at Mataas na Kapulungan upang maging batas ang panukala. Kapag hindi sumang-ayon ang karamihan sa kasapi ng kahit isa sa dalawang kapulungan, hindi magiging batas ang panukala.
Ayon sa tuntunin ng Mababang Kapulungan (Section 105), para matanggap ang isang resolusyong nagpapanukala ng pagsusog sa Saligang Batas, kailangang dumaan ito sa paraan ng pagpasa ng normal na panukala.
Matagal nang ipinipilit ng mga tulad ni Jose de Venecia na hindi na kailangan ang Senado upang mabuo ang isang Constituent Assembly at masusog/mapalitan ang kasalukuyang Saligang Batas. Binabase ni de Venecia ang kanyang paniniwala sa mga nakasaad sa Saligang Batas ukol sa pagsususog nito:
Artikulo 17, Seksyon 1. Ang ano mang susog o pagbabago sa Konstitusyong ito ay maaaring ipanukala:
(a) ng Kongreso sa pamamagitan ng tatlong-kapat na boto ng lahat ng mga Kagawad nito; o
(b) sa pamamagitan ng isang Kumbensyong Konstitusyonal.
Pero, bakit kailangan pa nilang baguhin ang kanilang tuntunin? Noon pa man, alam na nila de Venecia na kailangang ipasa rin ng Senado ang isang resolusyon na nagsususog sa Saligang Batas. Alam na nila na kailangang ipasa ng Senado ang isang resolusyon na tatawag sa isang Constituent Assembly.
Ano ang implikasyon ng ginawa nina de Venecia kagabi?
1. Inamin nila (bagamat hindi direkta) na upang mabago/masusog ang Saligang Batas, kailangan ang boto ng Mababa at ng Mataas na Kapulungan.
2. Gagawin nila ang lahat makuha lamang ang kanilang nais, bagamat hindi ito ang nais ng mga taong kanilang kinakatawan.
Ito lang ang masasabi ko sa ginawa nina de Venecia: isa itong gawaing mala in se.
Nicole has threatened to sue those who have exposed her identity. Her identity was exposed as early as Nov. 6 by media. The on-line news has since edited out her name. The court has ordered that her identity be kept a secret or face charges. We have a law that prohibits exposing the identity of a rape victim. I must agree with you that the court was remiss in concealing her identity. You may want to check out John Marzan’s blog to see how many had indeed posted her name. Tribune, right after the conviction, printed her name, so did the Journal. I think they have since edited out the name.
What Nicole should do is to ask the court to cite the culprits in contempt.
As of now, she’s silent, so maybe she doesn’t mind at all.
The court is actually collating the info and will be charging those who violated the court order. I guess its just not being given to much publicity.
I think the court cannot do anything at all, unless Nicole files a motion. That’s how I understand how the justice system works.