Batas Militar: Pag-alala ng isang walang alaala

Ipinanganak ako noong 1978, anim na taon simula nang ideklara ni Ferdinand Marcos ang pagsasailalim sa buong bansa sa batas militar; at tatlong taon pagkalipas ng aking kapanganakan, inialis ni Marcos sa ilalim ng batas militar ang Pilipinas. Nakakalungkot isipin na wala akong matandaan simula 1983 hanggang 1990, bagamat natatandaan ko ang tangkang pag-agaw ng kapangyarihan ng grupo ni Gregorio Honasan nung 1989. Papasok ako noon sa mababang paaralan nang sabihan ako ng kapitbahay na umuwi dahil wala raw pasok. Nakakita nga ako ng ilang mga tora-tora na umaaligid sa Maynila.

Isang black and white TV lang ang gamit namin noon. Hindi nagbabasa ng pahayagan ang aking mga magulang. Hindi itinuturo sa paaralan ang mga nangyayari sa paligid. Wala akong muwang sa mga nangyari na at sa mga nangyayari noong panahon na iyon. Katatapos lamang ng EDSA Revolution, at hindi pa natatapos baguhin ang mga aklat na gamit sa paaralan. May mga bakas pa rin ng panunungkulan ni Marcos noon. Naalala ko pa kapag flag ceremony namin tuwing umaga. Pagkatapos ng flag ceremony, pabalik na kami sa aming mga silid-aralan, tumutugtog ang awitin na may ganitong titik: “Lakad — kabataan/Na magiting, at —-“. Paumanhin. Hindi ako sigurado sa mga salita. Basta kapag narinig ko siya, alam ko na ang awiting iyan. Basta tunog batas militar siya.

Hindi ko alam kung ano ang nangyari. May mga nakakaalala ng mga pangyayari noong 1970 hanggang 1986, pero bakit parang hindi yata naibabahagi sa ibang henerasyon ang kaalamang ito. Nabalitaan ninyo ba ang mga aklat na kasalukuyang ginagamit sa mga pampublikong paaralan? Hindi lang tadtad ng mali, mas mahaba pa ang diskusyon tungkol sa mga nagawa ni Marcos kaysa sa buhay ni Jose Rizal! Hindi ba nakakapanlumo? Buti pa noon, medyo mahaba ang talakayan tungkol sa batas militar, bagamat wala akong matandaan maliban sa mga halo-halong mga titik tulad ng NAWASA, NACIDA, at BiBa. Sabagay, noong mga panahong iyon, mas pinapahalagahan kung alam mo ang ibig sabihin ng NACIDA.

Ngayon, tatlumpu’t limang taon ang nakalipas. Mayroon tayong isang arsobispo na nagsasabing ang mga kalunos-lunos na pangyayari sa ating panahon (iyung mga pagpatay sa mga aktibista, pagkawala ng ilan) ay ga-patak lamang ng mga nangyari noong panahon ng batas militar. Nakakalungkot sapagkat buhay siya noong panahon na iyon, pero parang nakalimutan na rin niya ang nakaraan. Mas nakakalungkot dahil paniniwalaan siya ng bagong henerasyon. Salat sila sa kaalaman, salamat sa walang silbing mga aklat sa paaralan, sa hindi pagbabahagi ng mga nakakatanda ng kanilang karanasan, sa kakulangan ng impormasyon sa Internet – isa sa pangunahing pinagkukunan ng kaalaman ng mga kabataan ngayon.

Isa lamang ang aking hiling: sana ay marami pang magsulat tungkol sa mga nangyari noong panahon ng batas militar – mga karanasan, mga alaala – upang mabasa ng mga kabataan at mga susunod pang henerasyon.

Kaya, ako ay nagpapasalamat sa mga sumusunod na nagsulat ukol sa isang madilim na bahagi ng kasaysayan ng ating bansa:

A Teen During the Martial Law Era
Never Again! The 35th Martial Law Commemoration
Ferdinand Marcos and the Philippines: The Political Economy of Authoritarianism
Mazinger Z!
Paggunita sa ika-35 taon anibersaryo ng Martial Law
Bedridden on Martial Law commemoration day
From the diaries of Ferdinand E. Marcos
I declare marshmallow!
From Hell And Back
When was Martial Law “Declared”?

Sana ay matuto tayo sa mga aral na dala ng kasaysayan. Sana ay huwag nating kalimutan ang aral na dala ng nakaraan.

10 thoughts on “Batas Militar: Pag-alala ng isang walang alaala

  1. Pingback: mmaeverything » Batas Militar: Pag-alala ng isang walang alaala

  2. Wala rin akong matandaan tungkol sa mga panahong ‘yan. Puro kwento lang ng aking mga magulang.

    Nakalulungkot ngang malaman na salat sa impormasyon ang mga bagong henerasyon tungkol sa mahahalagang pangyayari sa ating kasaysayan.

  3. Lolo Ivan, hindi ka pa talaga lolo kasi wala ka alaala ukol sa batas militar. Nakakalungkot, oo pero magagawan pa ng paraan.

    Hi, Jester, the cycle of history again. It is so unbreakable, no?

  4. Pingback: blog @ AWBHoldings.com » Blog Archive » Notes on the Manila Peninsula Hotel affair

  5. Pde pow ba pa post ung talambuhay ni Manuel A Roxas??

    pati na din pow ung mga ngwa nyang mga batas noong nanunungkulan na siya…Bilang pangulo..

    Thx pow…Mwah ? (=^_^=) ?
    ?Daisuke?

  6. Pingback: batas ukol sa wika

Comments are closed.