Mukhang di pa talaga tapos ang pambababoy na ginagawa sa mga magsasaka ng Sumilao.
Bagamat inilagay na sa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) ang 144-ektaryang lupain na kasalukuyang pagmamay-ari ng San Miguel Foods (SMFI), hindi pa tapos ang laban. Pagkatapos ng Pasko, nagpalabas ng mga anunsyo sa mga pahayagan ang SMFI ukol sa isyu.
Gusto ko mang talakayin ang isyu na ito, may nauna na sa akin, at hindi matatawaran ang talino ng taong tumuligsa sa anunsyo ng SMFI. Pakibasa ang isinulat ng isa sa mga aking iginagalang na blogger, ang lukayong layas. At ito pa ang isang magandang artikulo na sinulat ng isang manunulat ng Philippine Collegian.
At hindi pa riyan natatapos ang lahat. Humihirit na naman si Jesus Arranza, pangulo ng Federation of Philippine Industries at tagapagsalita ng SMFI, at tinira ang kilalang eksperto sa batas na si Fr. Joaquin Bernas. Dapat yata ay magdebate ang dalawa, nang makita ni Arranza na di nya alam ang sinasabi nya. Jesus pa naman ang pangalan nya.
Nakakahiya talaga si Jesus Arranza, marahil ay dapat din siyang ipako sa krus. 😉
jhay’s last blog post..Looking back on 2007: Top posts, events and lessons learned
Pingback: Palayasin ang mga pakialamerong sundalong Kano
Pingback: blog @ AWBHoldings.com » Selective cognition