Marahil panahon na para aking ipaliwanag kung bakit dapat magbitiw sa pwesto si Gloria Arroyo. Narito ang mga dahilan kung bakit dapat na syang magbitiw.
1. Ang pagtatalaga niya sa mga mahahalagang posisyon ng mga taong hindi karapat-dapat.
a. Raul Gonzalez – Ilang beses na ba nagkalat ng lagim ang taong ito? Muntik na nga sya mamatay pero wala pa ring kadala-dala. At saka ilang beses na sya na bypass ng Commission on Appointments, pero kapit-tuko pa rin sa pwesto, katulad ng nag-appoint sa kanya.
b. Norberto Gonzales – Isa pa ito. Nung mangyari ang Glorietta 2 blast noong birthday ko, sabi nya gawa ng terorista yun. Pero ang sabi ng PNP hindi raw. National Security Adviser yan ha.
c. Lito Atienza – Boo! Buti pa kung si Kim Atienza ang nilagay eh. Eh eto? Bahagi sya ng Catholic Taliban, kontra sya sa non-natural family planning methods. At saka kasama sya sa mga nagtangkang patahimikin si Jun Lozada.
d. Angelo Reyes – Sya ang tunay na mutineer. Nakailang lipat na ba sya ng pwesto? Di ko na nga matandaan. Kapit-tuko rin. Hindi sya matanggal kasi subukan lang gawin ni Gloria yan. Bukas lang iba na presidente natin.
e. Romulo Neri – Nilagay sa CHED kahit na ang minimum requirement para maging Chairman eh isang doctorate degree. Saka dapat may paninindigan at backbone, hindi kanta-sabay-takbo.
f. Ben Abalos – Kailangan ko pa bang ipaliwanag ito?
g. Virgilio Garcillano – Basahin ang letrang f.
h. Ignacio Bunye – “I have two discs, the original and the fake.” “Liar, liar.” Pag nagsalita sya, maiinis ka na agad.
i. Lorelei Fajardo – Sang lupalop nanggaling ang babaeng ito? Sa wikang Ingles, she’s very repugnant.
j. Hermogenes Esperon – Duh. Magsalita pa lang alam mo na kaagad ang takbo ng utak nito – utak pulbura na ewan. Isa pang kapit-tuko na kailangan pang magparinig para lang maextend ang term. Saka tingnan mo ginawa kina Lim at Querubin. Matatapos na ang Pebrero pero nakakulong pa rin ang grupo, pero di pa rin tapos ang pekeng court martial. Saka sangkot din sya sa Hello, Garci.
k. Merceditas Gutierrez – Ayoko na sanang sabihin na bumagsak muna sya sa bar exams bago pumasa, kasi unfair sa mga abogado na ganun din ang sinapit. Pero tingnan mo naman. Noong magtestify si Jose de Venecia III sa Senado noong nakaraang taon, marami ang nagsampa ng kaso sa Ombudsman. Pero kelan lang sya umaksyon? Ngayong buwan lang! At wala silang maipakita kahit ano para mapatunayan na nag-imbestiga sila. Kaklase pa ni Mike Arroyo sa Ateneo. Yun na.
2. Pagtatago sa katotohanan dahil sa mga kapalpakan at kadugasan.
a. Hello, Garci – Tatlong taon makalipas ang isyu, walang nangyari. Si Garci, nagtago, nagparamdam, nagtago, bumalik, kumandidato, natalo, at ewan kung nasaan na sya. Si Esperon, ginawang Chief of Staff – at na-extend pa. Si Gudani at Balutan, na tumestigo sa Senado, ayun naka court martial. Retirado na si Gudani, kaso tinanggal ang kanyang retirement benefits. Yung iba pang heneral na nabanggit sa tapes, itinalaga sa ibang posisyon para masakop ng EO 464. At tinakot ng NTC at DOJ ang media upang hindi ipalabas/iparinig ang Hello, Garci tapes.
b. Fertilizer scam – Pinatakas si Jocjoc Bolante papuntang US, pero nakansela ang visa nya, kaya ayun, nakakulong sa US. Sana ipadeport sya rito, kaso may pending syang political asylum application, kasi raw ipapapatay raw sya ng NPA. Saka kung sakali mang makabalik sya, gagawin lang nila ulit ang tinangka nila kay Lozada. Pero this time, perfect na, saka willing magtago si Bolante.
c. Mga pekeng impeachment cases – Sabi ni Gloria daanin raw sa proseso, at handa raw syang ipagtanggol ang sarili sa tamang lugar. Idaan daw sa impeachment, sabi nya. Pero, tatlong beses nyang binusabos ang proseso, salamat sa mga pekeng complaints nina Lozano at Pulido. Salamat din sa mga bayarang kongresista. Asa pa kayo sa panibagong impeachment ngayong taon? Aba, si Lozano, nagpadala na agad ng complaint kahit hindi pa paso ang ban dahil sa palyadong complaint ni Pulido. Pero wag ka, magulat ka na lang pag tinanggap yan sa Oktubre.
d. EO 464 – O kung di ba naman takot sa katotohanan ang Gloria, nilabas ang EO 464. Kung wala kang itinatago, bakit kailangan mong busalan ang mga tao mo, di ba? Ganun lang kasimple yun.
3. Mga kabastusan at anomalyang hindi pa rin nabibigyang linaw hanggang ngayon.
a. Hello, Garci – Kasi nga, ginawa ng administrasyon ang lahat, wag lang lumabas ang katotohanan. Kung totoo ang laman ng tapes, ibig sabihin nandaya si Gloria para manalo.
b. Fertilizer scam – Natapos na ang termino ni Ramon Magsaysay Jr. bilang senador (at nanguna sa pag-iimbestiga sa kasong ito), pero wala pa ring napaparusahan. Kasi, natutulog sa kangkungan ang Ombudsgirl. Saka si Bolante, nakakulong pa sa US. Biruin mo, ang Makati, binigyan ng alokasyon para sa fertilizer! Ah, baka yan ang ginamit na pampasabog sa Glorietta!
c. NBN-ZTE at ang mga pangyayari sa buhay ni Jun Lozasa, kasama na ang isyu sa Spratlys.
d. Mga extra-judicial killing at mga taong sapilitang dinukot diumano ng mga tauhan ng gobyerno – Malapit nang mag-isang taon noong mawala si Jonas Burgos, pero hanggang ngayon hindi pa rin sya makita. Pati na rin yung dalawang estudyante ng UP, kasama yung iba pang nawawala. At ang Gloria, ipinagmalaki ang kanyang human right record. Hay ewan.
e. ATBP – basahin sa PBWiki.
4. Ang pagyurak sa mga institusyon ng bansa.
a. Comelec – Ang pagtatalaga sa mga hindi karapat-dapat na sina Abalos at Garcillano. Ang palpak na poll automation. Hello, Garci.
b. House of Representatives – Pagiging sunud-sunuran sa rehimeng Arroyo. Ang pagbaboy sa proseso ng impeachment.
c. Ombudsman – Ang hindi pagkilos ng mga kaso na kontra kay Arroyo, kumpara sa bilis ng kaso kontra oposisyon.
d. Armed Forces of the Philippines – Naging Armed Forces of President Gloria Macapagal Arroyo. Naging tagapagtanggol ng rehimen imbes na tagapagtanggol ng bayan.
e. Philippine National Police – Naging Palpak na Pulis. Naging pangontra ni Gloria laban sa mga nagpoprotesta.
5. Pagtataksil sa pagtitiwalang binigay sa kanya ng bansa (bagamat hindi naman sya tunay na pangulo ng bansa). Basahin lahat ng mga nabanggit sa taas.
Kaya, Gloria Arroyo, resign na! Now na!
Ikaw, dapat nga bang magbitiw na si Gloria? Bumoto sa aking survey. Kung gusto mo, mag-iwan ka ng komento, sabihin mo kung ano ang ibinoto mo, at bakit.
[poll=4]
hindi ako mka-Gloria! anu ba talaga ang gusto mo Pilipino? kahit sino ang umupong pangulo, magrarally at magrarally kau!! lahat kinalaban ninyo. anu ba talaga?mahilig kayong mag-ingay sa kalsada pero tinanong niyo na ba sa mas nakakarami ang gusto nila? un ba ang gusto nila? alam nyo, sinisisi niyo lang sa isang tao ung nagiging kalagayan ng bansa natin..tutal sa rally nyo lang napaparating ung mga boses nyo. magrally kayo dun sa mga gilid ng mga ilog, ilalim ng tulay, mga kung saan saan naninirahang mga pilipino o mga skwater! duon makikita ninyo kung sinu-sino pa ang pwedeng sisihin kung bakit naghihikahos ung bansa natin. maraming tamad, lasenggo, sugarol, at kung anu-ano pang bisyo ang inaatupag kesa maghanap-buhay..ano? wala silang ginawa kundi mag-anak at papalakihin nila na katulad nilang mga “batugan”! sana naman, wag nating pansinin ung dungis ng mukha ng ibang tao! “manalamin ka muna.” ngayon, taas noo kong sasabihin sa inyong lahat, “JP RIZAL PATAWARIN MO KO PERO KINAHIHIYA KO NA AKO AY NAGING ISANG PILIPINO!”
hell, yeah! gma should resign! and btw, ayos na ayos ang tagalog (filipino?) mo. galing! mabuhay!
stuart-santiago’s last blog post..the bishops back off, what a drag
Salamat po!
…and in that case, who shall we replace her with???
That IS the million-peso question!
Peter’s last blog post..Tough Hits ‘08 presents…Da Bitols
Kailangan ko bang sagutin yan?
Meron tayong bise presidente. Kung hindi sya katanggap-tanggap sa yo, sino may kasalanan kung bakit sya nakaluklok? Di ba si Gloria? Kasi pinatakbo nya eh. Wala namang balak tumakbo noon si Noli eh.
Pero sana naisip mo na kaya nya pinatakbo si Noli para mangimi ang mga taong katulad mo na patalsikin sya. Effective, di ba?
sa dami daming rason, sige na magbitiw na siya! umamin na nga siya na nandaya siya diba? sabi lang niya sorry… huminga na siya ng kaunti — pero ngayon sasabihin uli niyang kita niya ang “flaws” sa ZTE tapos hindi pa tinanggihan
lyza’s last blog post..Blog Award
re jonas: malamang pinaslang na siya, kapatid.
the jester-in-exile’s last blog post..Sez Who: Soundbites on the Recent Protests — and the jester-in-exile’s take on them
maganda ang mga sinabi mo tungkol sa mga walang silbing tao ni gma… halos lahat ay maski papano nakilala na ng publiko.. pero sa lahat ng nabanggit mo, ang pinaka nakakasuka ay ang isang lorelei fajardo.. tama ka, san bang lupalop nanggaling ang kabuteng ito? bigla na lang siyang bumulaga sa ating mga telebisyon at .. bungi ba siya? parang nahihirapan akong magsalita para sa kanya.. or baka sira ang front teeth? kala nya maganda sya sa kakangiti nya.. dahil ngiting aso, mukhang aso na nga siya! i say wrong choice for the job– whatever that is!!!!!!
She was apparently a former mayor from a town in Nueva Ecija.
walang kwenta ang mga taong naninirahan sa pilipinas xe mga batugan at walang gngwa..lahat nlang sinisisi nyo sapangulopero ang totoo asa tao nmn ang pagkukulang kia walang pagasa umunlad