May panawagan si Janette Toral para sa isang pagtalakay sa mga paksa na nauugnay sa halalang pambansa sa taong 2010, kasama na rito ang pag-anyaya sa iba pang mga blogger.
Magkakaroon ako ng serye ng mga pagtalakay tungkol sa mga isyu na dapat talakayin. Sa bawat pagtalakay, magsasaad ako ng isang isyu, magpapaliwanag kung bakit ito dapat maging isang isyu, at ang aking saloobin tungkol sa nasabing isyu.
Hindi natin maitatanggi na malaki ang nagagawa ng ating mga OFW sa ekonomiya ng ating bansa. Noong nakaraang taon, umabot sa US$13.1 bilyon ang ipinadala ng mg OFW – iyan ay mula Enero hanggang Nobyembre, at ipinadala sa pamamagitan ng mga bangko. Hindi pa kasama yung mga ipinadala noong Disyembre at yung mga hindi dumaan sa bangko. Kaya nga ang iba sa atin, tinatawag silang mga bagong bayani.
Pero bakit parang hindi bayani ang turing sa kanila ng ating pamahalaan? Bakit parang gatasan ang pagtingin ng rehimeng Arroyo sa mga OFW?
Tingnan ninyo itong ginawa ng Philippine Overseas Employment Administration. May mga ilang kasing mga OFW na direktang inempleyo – hindi sila dumaan sa recruiter, at hindi sila dumaan sa red tape ng POEA. Mukhang medyo naging wa-is yata ang mga employer, kaya medyo naguluhimanan ang POEA. Naglabas ito ng isang kautusan para makontrol ang tinatawag na direct employment. Mabuti kung inyong i-download ang nasabing panuntunan at maunawaan kung bakit kailangan nilang gawin ito.
Hindi ko tatalakayin ang nasabing panuntunan. Pakibasa ang ginawang pagtuligsa ng Lukayong Layas sa nasabing panuntunan. Ang masasabi ko lang: isa itong legal na pagnanakaw.
Bakit ito dapat maging isang isyu? Maraming hindi magandang naidudulot ang pag-alis ng mga Pilipino upang magtrabaho sa isang pamilya. Pero alam natin na mahirap maghanap ng magandang trabaho rito sa Pilipinas, lalo na para sa mga hindi nakapagtapos. Ok lang sana kung kaya ng minimum na pasahod ang cost of living, pero marami sa inyo ang nakakaalam na mahirap ang buhay, lalo ngayon na hindi naman bumababa ang presyo ng mga pangunahing bilihin. Iyon namang iba, bagamat nakatapos ng pag-aaral, hindi makahanap ng trabaho na hindi sila masasadlak sa isang mesa at headset. Kaya napipilitan ang karamihan na makipagsapalaran at maghanap ng trabaho sa ibang bansa.
Pero ang mas mabigat na suliranin – ang tinatawag nating brain drain – ang pag-alis ng mga doktor, nars, guro, siyentipiko at inhinyero. Malaki ang epekto nito sa ating bansa.
Ano ba ang polisiya ng ating pamahalaan ukol rito? Ano ba ang gusto natin mangyari – ipagpatuloy na gawing pang-export ang ating mga manggagawa? Kaya siguro naisip ng POEA ang nasabing panuntunan – malaking pera rin yun. Pera nga, iyon eh kung may mga employer pa na mangahas na direktang kumuha ng tao. Halatang hindi na naman pinag-isipan ang desisyong ito.
Ano dapat ang maging polisiya natin para maiwasan ang brain drain?
—
Huwag kalimutang bumoto sa aking sarbey, kung hindi ka pa nakakaboto.
Tama ka, kapatid! Sana nga magkaroon ng programa ang kasalukuyang pamahalaan para magkaroon ng sistema at mapadali ang sistema para sa mga direct hire. At sana, magkaroon din ng mga incentive programs para mahikayat ang mga matagal nang OFW na makabalik sa Pilipinas.
Lester Cavestany’s last blog post..Awit na Nananawagan (In Response to Janette Toral?s Call for a Blog Brainstorm about 2010 Elections)
asus. parang may 2010 elections.
the jester-in-exile’s last blog post..UP Law Aptitude Examination (LAE) for AY 2008-2009 Interview Schedule
Oi, yan ang lagi kong pasubali pag may nagtatanong sa akin tungkol sa 2010. Kaso karamihan sa mga tao umaasa pa rin, kahit obvious na gumagawa ng paraan ang ilan para walang eleksyon sa 2010.
Pingback: Atheista » Blog Archive » Important Issues For the 2010 National Elections