Do you know what type of photographer you are? Read on!
(Taken from BNCXE.)
Anung uri ng manunyut ka???
1. MAKALIKOT
Ito ang uri ng photographer na naka-pose na ang modelo pero bago pindutin ang shutter button ay kung anu-anong settings pa ang pinaglalalagay sa camera n’ya: mula shutter speed hanggang sa lens length, kahit prime na ‘yung lens n’ya at sakto na, papalitan n’ya pa rin kasi pakiramdam n’ya parang may mali. Nagbo-bokeh pa para lang makuha ‘yung gustong effect! Ang resulta? Hayun, ngawit ang model.
Kalupitan level: 1/5
2. MAUTOS
Madalas ito sa mga may model shoot. Uutusan nila ang model: nguso, liyad, tuwad, higa, hubad – makuha lang yung perfect angle. Ang resulta? Ang model ay parang clay – kung anu-anong posture ang gagawin. Kaso ‘di puedeng umangal ‘yung model. Papasikatan s’ya nung photographer tapos ‘pag tinanong ng model kung tapos na ba yung pose, hindi pa. Makikita mong gumugulong-gulong din ‘yung photographer para daw perfect lighting ‘yung kuha n’ya.
Kalupitan level: 3/5
3. HUMAN GORILLAPOD
Uncommon ito pero ‘pag naka-encounter ka, luluwa mata mo! Opposite ito ni MAUTOS. Imbes na utusan ang model, ang photographer mismo ang nagbe-bend, lumiliyad, humihiga, tumutuwad. Kulang na lang maging gorillapod dahil sa pagiging flexible sa pagkuha. Ayaw n’yang utusan ang model dahil baka tumanggi na ‘yun sa next photoshoot eh. Makikita mo lahat ng kasama n’ya imbes na sa model na maganda nakatingin, sa photographer. Biruin mo, human gorillapod flexibility eh. ‘di mo s’ya masisisi: perfect lighting ang habol n’ya. It’s all about the lighting ‘ika nga ‘di ba? And, his/her shots will justify it. Pero pagkatapos ng shoot at nakauwi na ang lahat, dederetso ‘yan sa botika para bumili ng pain reliever.
Kalupitan Level: 6/5
4. MAPINDOT
Makita lang ‘yung shutter button – ‘yung bilog na kulay abo na makintab – talagang naglalaway na, at gagawin ang lahat para lang mapindot. Nanghihina s’ya sa tuwing maririnig ang tunog ng shutter release. “chukah chukah chukah” Kung maaari lang na gawing ringtone sa cellphone, ginawa na n’ya.
Kalupitan level: 2/5
5. MAPILI
Marami nito sa event shoots lalo sa cosplay shoots. Basta makita n’yang maganda, shoot! pero ‘pag nakita n’yang parang di pasok sa panlasa n’ya, di n’ya kukunan kahit marami na’ng photographer ang kumukuha. Kapag sinabi n’yang ayaw, kahit umiyak ka ng dugo para kunan n’ya, ayaw talaga.
Kalupitan level: 3/5
6. AUTISTIC/TUOD
Oo meron n’yan! Yung tipong kailangan mo i-reboot yung tao. Aakalain mong di gumagalaw, pero pag nakapose na ang model, parang robot yang itataas nya ang kamay na may camera papunta sa kanyang mata. Alam nyo yung pag-arte ni Arnold Schwarzenegger sa Terminator? Ganon sya: cold. Makikita mo yan nakatayo lang sa isang tabi tapos hindi kikibo. Kapag lalapitan mo, blank. Magugulat ka na lang may reset button na umiilaw. Pentium Poor ang processor nya. Pero wag mo s’yang pagtawanan, magaganda ang mga shots nya. Kelangan lang nya mag-upgrade ng processor.
Kalupitan level: 7/5
7. MA-ZOOM
Ito yung mga may paparazzi tendencies. Makikita mo sa lens lineup nya: may wide, tele, hanggang dun sa mga naglalakihang zoom lens gaya ng 70-200mm, 80-400mm, etc… merun sya! Iyan yung mga tatawagan mo sa gabi, sasabihin nagna-night shoot daw. Night shoot nga kaso ang kapitbahay na nagbibihis ang subject.
Kalupitan level: 4/5
8. MA-MACRO
Kabaliktaran ito ni MA-ZOOM. Lahat ng maliliit na bagay, gustong up-close at malaki: magmula sa langaw, bangaw, tipaklong, gagamba, langgam, sperm cell at kung anu-ano pang gumagapang at gumagalaw. Lens lineup? Ayaw bitiwan ang kit lens nya kase may macro capabilities yun. Madali mo silang mapupuna kasi kahit walang camera, makikita mong uupo, dadapa, tutuwad o gagapang ng malapitan sa isang subject at iisipin “ima-macro kitaaahhh… hintayin mo, mamamacro din kitaaahhh… bwahahaha…”
Kalupitan level: 3/5
9. TRIGGER-HAPPY
Pagsamahin mo yung characteristics nila MAPINDOT at MA-ZOOM para maabot ang status na to. Lahat kinukunan. Lahat at kahit anong bagay: electric fan, bumbilya, lababo, agiw, o alikabok; pati pulubi, taxi driver, katrabaho, kapitbahay, tindera, bata, matanda o tulog, gising, patay, gumagalaw o hindi. Basta parang lulong na palaging may bumubulong na “ito, kunan mo, kunan mooohhh!!!”
Kalupitan level: 5/5
10. MAGALA / PALABOY / LAGALAG
Ito yung photographer na gala. May hampered characteristics ito ni TRIGGER-HAPPY. Lalabas ito ng bahay sa umaga, bitbit ang camera. Mula Manila City Hall, mapapadpad yan ng Caloocan. Uuwi ng hapon na punong-puno ng RAW at JPEG files ang memory cards nya. Wag nyo syang sisihin, marami syang pera!!!
Kalupitan level: 4/5
11. TAMAD
Ito yung mga taong may characteristics ni TRIGGER-HAPPY pero tinatamad pagdating sa post-processing. Bihira mag-shoot sa RAW, JPEG na lang. Makikita mong nabubulok na ng isang dekada yung mga kuha nya. Di nya pino-post process. Yung multiply nya? Di updated kahit online sya. Dahilan nya? Katamad eh…
Kalupitan level: 6/5
12. POST-PROCESSING BUFF
Ito ang pinakametikuloso pagdating sa post-processing. Lahat ng options kinakalikot: white balance, tone, color, contrast, dimension at file format. Lahat. Basta makuha nya yung pinakamagandang kuha. Wag ka, Lahat ng post-processing tools, apps at plugins meron sa PC nya – the ultimate darkroom man. Pero pag nakita mo pics nya, mapapakamot ka ng singit sa ganda!
Kalupitan level: 5/5
13. MA-WATERMARK
Ito ang mga photographers na sobrang laki ng watermark. Parang watermark ang tinubuan ng picture. Tipong minumura ka sa laki! Pero magtataka ka, elaborate yung design ng watermark: maraming burloloy gaya ng dahon, kahoy, kamay, paa, at ilong. Di lang yan, mayroon ding tatadtarin ng iba’t ibang styles ng watermark yung picture: paiba-ibang kulay, paiba-iba ng fonts at fontsize, di lang isa minsan parang mga kabute kapag malakas ang kidlat! Masyado nilang pinagmamalaki ang kanilang watermark este, pictures pala.
Kalupitan level: 4/5
14. MODEL+PHOTOGRAPHER COMBINATION
Gulat ka ano? Uso yan ngayon! Yan yung mga magagandang babae at lalaking photographers…. yung tipong pag may shoot kayo at walang model, magpopose yan sa isang tabi tapos kunwari hindi wari na kinukunan sya ng iba. Makikita mo na lang yan mamaya na nakasandal sa pader, nakahiga sa damuhan, nakaupo sa sahig, tumatawa, umiiyak, gumagawa ng sariling moment. Pero, pero dead-ma pa rin! Yung iba talagang ka-career-in tong status na to… ayos eh! Malalaman mo na lang na gina-grab nya ang mga kuha mo sa kanya tapos sasabihin nya “Sh*t kailan to? Hindi ko to alam ah! Ikaw talaga? Guapo/ganda ko pala!”
Kalupitan level: 4/5
15. BOYSCOUT
Alam nyo naman siguro ang motto ng isang boyscout: laging handa! Yan yung makikita mo na may dalang malaking backpack. Yung tipong dala nya yung studio nya sa bag. Pag binuksan mo, (kumikinang pa) at biglang magtratransform khokhokhokhokhok! pooft! instant studio! Lahat ng kakailanganin mo nanduon: softbox, umbrella, tripod, costumes at makeup. Ito na siguro yung magaling magsiksik ng gamit sa bag… yan yung biglang sasabihan ka “Tara shoot tayo, dala ko studio ko sa bag.” Mapapaisip ka sa una at pag nakita mo laman ng bag nya, mapapanganga ka at tutulo pa laway mo!
Kalupitan level: 7/5
16. STALKER
Ito na siguro ang ultimate mamaw photographer. Ito ang supling nila MAPINDOT MAPILI, MA-ZOOM at TRIGGER HAPPY. Karamihan ng mga ganitong photographers ay nagsisimula sa mga events na may makikitang magagandang babae at lalaki, tapos babanatan sya ng zoom range nya mula sa kanyang lens lineup. Makikita mong naka-mount sa camera nya yung mga mahahabang range ang zoom. Dadasalan nyang kuhanan yung natipuhan nyang subject habang bumubulong ng “maging akin kaaahhh. maging akin kaaahhh…” habang hanggang tainga ang ngiti. Mapapansin mo na kapag nakatingin sa kanya ang subject, biglang itututok nya sa iba ang camera para hindi mahalata nung subject na sya talaga ang kinukuhaan nya. Makikita mo sya sa susunod na event shoot na kinukuhanan pa rin ang subject na trip nya pero kit lens na ima-mount nya para malapitan nyang kukunan yung subject… style lang nya yun. Malalaman mo na lang na hiningi na nya yung YM, Multiply, Deviantart, cellphone number, email address, birthday at first love ng subject nya.
—
I think I’m number 11 he he. :-p What are you?
(Image by Ice Basit)