Kanina sa MRT, habang nag-aantay sa paparating na tren, nasa harapan ko ang isang may katabaang lalaki. No, hindi kasing laki ni Arpee at ni Juned. Definitely mas malaki sa akin. Anyway, so yun, nagulat lang ako kasi kahit napakalaki nya, ang galing nyang sumingit ha. Pero I realized na hindi dahil sa bilis yun. Alam nya kung paano gamitin ang laki ng kanyang katawan.
Natatandaan nyo pa ba yung mga players ng Ginebra nung kapanahunan ni Jaworksi? Di ba di ganun katangkaran pero parang mga tangke ang katawan? Sina Locsin yun, saka Loyzaga. Subukan mong banggain yung mga yun. Goodluck.
So ganun siguro yung mama kanina. Magaling syang sumingit kasi peanuts sa kanya ang manbalya.
—
Nakaupo naman ako kanina, salamat sa kung sino. Katabi ko sa kanan ko ay isang mamang matanda na di ko alam kung maarte lang o may sakit. Naka gas mask kasi sya. Sa kaliwa yung mamang mataba (MM). Tapos may babae na nakatayo sa harap ni MM, kaya UMUSOG si MM pakaliwa. Sa kakarampot na piraso ng upuan naupo yung babae. Ayun, pilit na nagsumiksik yung babae. Kung tumayo si MM, isang tao pa ang pwedeng makaupo nang komportable, katabi yung babae na hindi na sana nagsumiksik.
So umandar na yung tren, at ako’y nagulat. Parang lumalaki yung balikat nung matandang nasa kanan ko. Naiipit ang kanang braso ko, muntik na ngang matigil ang daloy ng dugo eh. Pinakiramdaman ko nga baka kako si Incredible Hulk yung katabi ko. Lumalaki yung balikat nya pag bumibilis ang tren, bumabalik naman sa dati pag pabagal o huminto yung tren.
Sa pagitan ng babaeng nagsumiksik at nakasandal kay MM, at ng matandang Incredible Hulk, para akong de-latang napisa ng pison.
—
Nakarating naman ako sa Ayala Station na buo pa rin. Akala ko kasi madudurog ako sa tigas ni lolo. Buti naman hindi.
Pagdating sa Buendia Station, tumayo na ako at lumapit sa pinto, para agad akong makalabas. Siksikan kasi sa escalator, kasi makitid lang sya. Naiwang nakaupo sina lolo Hulk, babaeng nagsumiksik, at si MM. So pagdating sa istasyon, nagkumahog ang mga tao sa paglabas, at nagka bottleneck (naks) sa escalator. Pumila naman ako, at ako ay nabigla sapagkat nasa unahan ko si MM. Grabe ang galing talaga nung matabang yun.
Pagdating sa ikalawang escalator, umakyat na ako, kasi ayaw kong makasingit sya ulit sa pila ng turnstile. Ay grabe ang haba ng pila sa palabas na turnstile, kasi yung iba naka red X na naman (ibig sabihin out of order). At nakita ko na naman si MM, handang sumingit. Buti na lang dun sya sa mahabang pila napunta. Kung hindi, baka nilabas ko na ballpen ko at tinusok ko na sya.
—
Pero sa totoo lang, walang tatalo sa mga babae pagdating sa singitan. Pagdating sa MRT, ang mga babae nagiging Amasona. Pramis.
Tulad nung nangyari kahapon. Madalas akong naka iPod pag nasa MRT kasi naiirita ako sa nakakairitang paalala na palagi mo na lang maririnig sa mga istasyon ng MRT. Wala namang sumusunod. Tulad ng “huwag umapak sa dilaw na lines.” Goodluck. Ako lang yata ang di umaapak sa dilaw na lines eh.
Anyway, so kahapon maswerte ako at nakapwesto agad ako sa platform, pero syempre di ako nakatapak sa dilaw na lines. Makakapasok agad ako ng tren, sabi ko sa sarili. Pero ilang segundo lang, may nakatayo nang babae sa harap ko. (doh)
Isang example pa lang yan. Dapat yata magsuot ako ng sumbrero na may video camera, para marecord ko lahat ng mga pagsingit na ginagawa ng mga babae sa MRT. Hay naku, dapat wala nang segregation scheme kung ganyan din lang naman mangyayari.