Mga salitang dapat ninyong malaman

1. BAKTOL – ang ikatlong lebel ng mabahong amoy sa kili-kili. Ang baktol ay kapareho ng amoy ng nabubulok na bayabas. Ito’y dumidikit sa damit at humahalo sa pawis, madalas na naamoy tuwing registration sa school, sa elevator o FX at sa LRT.

2. KUKURIKAPO – ito ang libag sa ilalim ng boobs, madalas na namumuo dahil sa labis na baby powder na inilalagay sa katawan. Maqari ding mamuo kung hindi talaga naliligo o naghihilod ang isang babae. Ang kukurikapo ay mas madalas mamuo sa mga babaeng malalaki ang boobs.

3. MULMUL – buhok sa gitna ng isang nunal. Mahirap ipaliwanag kung bakit nagkakaroon ng MULMUL ang isang nunal subalit hindi talaga ito naaalis kahit bunutin pa ito, maliban na lamang kung ipa-laser ito.

4. BURNIK – taeng sumabit sa buhok sa puwet, madalas nraranasan ng mga taong nagti-tissue lamang pagkatapos tumae, ang BURNIK ay mahirap alisin, lalo na kapag natuyo na ito. Ipinapayo sa mga may mga BURNIK na maligo na lamang upang ito’y maalis.

5. ALPOMBRA – kasuotan sa paa na kadalasang makikitang suot ng mga tindero ng yosi sa Quiapo. Ito’y makipot na kasuotan ng paa, at manipis na swelas, mistulang sandalyas ito ng babae pero kadalasang suot ng mga lalaki, available in blue, red, green etc.

6. BAKOKANG – higanteng peklat, ito’y madalas na dulot ng mga sugat na malaki na hindi ginagamitan ng sebo de macho habang natutuyo. Imbes na normal na balat ang nakatakip sa bakokang, ito’y mayroong makintab na balat na takip.

7. AGIHAP – libag na dumikit sa panty o brief. Nabubuo ang AGIHAP kung ang panty o brief ay suot-suot na nang hindi bumababa sa tatlong araw at kapag tinapon ang panty o brief sa dingding, ito ay hindi mahuhulog pagkat dumikit na ng kusa sa dingding.

8. DUKIT – ito ang amoy na nakukuha kung kinamot mo ang pwet mo at may sumamang amoy tae.

9. SPONGKLONG – ito’y isang bagong salita na nangangahulugang isang estupidong tao.

10. LAPONGGA – ito’y kahintulad sa laplapan o kaya sa lamasan.

11. WENEKLEK – ito ang buhok sa utong, na kadalasang nakikita sa mga tambay sa kanto na laging nakahubad. Meron din ang babae nito.

12. BAKTUNG – pinaikling salita ng BAKAT-UTONG.

13. BAKTI – bakat panty.

14. ASOGUE – buhok sa kilikili.

15. BARNAKOL – maitim na libag sa batok na naipon sa matagal na panahon

16. BULTOKACHI – tubig na tumalsik sa pwet kapag nalaglag ang isang malaking tae. Nararamdaman ito kasi tumalsik sa pisngi ng pwet ang tubig sa toilet bowl.

17. BUTUYTUY – etits ng bata.

18. JABARR – pawis ng katawan.

19. KALAMANTUTAY – mabahong pangalan.

20. McARTHUR – taeng bumabalik after mong i-flush…

2 thoughts on “Mga salitang dapat ninyong malaman

Comments are closed.