Para kay Vivianne Yuchengco:
Ang taray mo ha? Bago ka magtaray, balikan mo muna mga pinaggagagawa mo noong panahon ng impeachment ni Joseph Estrada. May pa walkout-walkout ka pa nun. Ngayon, nagpuputok ang butsi mo dahil sabi ng club mo, dapat magresign sina Atienza at Neri. Di ka sang-ayon, sabi mo, dahil dapat hindi mamulitika ang Makati Business Club. Noong mamulitika ang MBC noong 2000-2001, kumontra ka ba? Nagwalk out ka nga eh. Ang labo mo naman. Kaya siguro stock broker ka lang at walang mahalagang posisyon sa mga kumpanya ng pamilya mo – malabo ka kasi kausap.
Ganito na lang. Maniniwala ako sa iyo kung babayaran ng pamilya nyo ang lahat ng nadugas ng Pacific Plans nyo. Hangga’t hindi nyo ginagawa yun, nek-nek mo.
Arbet
—
Para kay Romy Neri:
Di ko malaman kung matatawa or maaawa ako sa yo. Ewan ko ha. Ikaw ba naman na halos linggo-linggo may nagpipiket sa harap ng bahay mo. Buti nga di ka pa nababaliw.
Pero ewan. Kung anu-ano pa pinagsasabi mo. Kesyo hindi rally ang sagot sa problema, kesyo dapat sagutin ang ugat ng problema. Ang problema, kasama ka run sa problema! Hindi mo ba magets yun? May alam ka, pero ayaw mo sabihin. Bakit? Executive privilege ka dyan. Palusot mo lang yun. So porke may executive privilege di ka na magsasalita tungkol sa krimen?
Sang-ayon ako sa yo na malalim ang ugat ng problema. Ang problema sa yo, mukhang nakompromiso ka na ng isang taong malapit sa yo.
Pakikumusta na lang ako kay Tom.
Arbet
—
Para kay Heneral Avelino Razon:
Ilang buwan pa ba bago ka magretiro? Kung ako sa yo, aayusin ko ang trabaho ko para hindi masira ang kredibilidad, integridad, at reputasyon ko.
Naaawa ako sa yo noong Lunes. Parang hirap na hirap ka magsinungaling. Mahirap naman talaga, di ba? Lalo na kung matagal kang naging matinong pulis. Dapat ngayon ay iyo nang napagtanto na walang maibubungang mabuti ang pagsisinungaling, kasi mapapahiya ka lang.
Tulad nyan. Sabi mo noong Lunes, yung kapatid ni Jun Lozada ang humingi ng proteksyon sa PNP-Police Security Protection Office. Nanumpa ka nun ha, na sasabihin mo ang totoo. Ngayon, sabi ng hepe ng PSPO, hindi raw humingi ng tulong ang kapatid ni Lozada na si Carmen. Sinungaling ka ba, General? Siguro naman hindi. Kaso, ayan oh.
General, hanggat maaga pa, isalba mo ang iyong reputasyon. Bigyan ka man ng pera ng amo mo, pero araw-araw ka naman nilibak sa mga aklat pangkasaysayan. Karamihan ng tao iisipin na isa kang tuta at sinungaling. Sabagay, buhay mo yan, pakialam ko ba?
Arbet
Very candid and straightforward. Sana mabasa nila to. Wala bang para sa pinakamamahal kong si Arroyo?
Ria Jose’s last blog post..The Height of Hypocrisy
May sulat ako para kay Joker Arroyo, noong Martes. Kay Gloria? Di bale na lang, ayoko masayang brain cells ko ha ha ha!
Sana nilagyan mo ng “Love, Arbet” or “Nagmamahal, Arbet”. 🙂
Prudence’s last blog post..AI Unravels Its Top 24
Arbet,
Si vivian hindi anak ni alfonso yuchengco,
Ewan ko kung sino ang tatay niya pero makasalanan man si alfonso yuchengco eh huwag naman natin ibintang din sa kaniya si vivian yuchengco. Hindi naman ganoon kasama si alfonso yuchengco.
Eh di ko naman sila loves eh.
Pero sabi run sa balita ng ABS-CBN anak daw ni Yuchengco si Vivianne. Mali ABS-CBN? Booo!
Anyway, basta, bad mga Yuchengco, ayaw nila bayaran mga dinugas nila.
Pingback: links for 2008-02-18 « PinoyBlurker @ PinoyBlogoSphere.com
Pingback: links for 2008-02-18 « PinoyBlogoSphere.com | PhilippineBlogoSphere.com
Pingback: PinoyBlurker » Blog Archive » links for 2008-02-18
I recently came across the website below regarding Mr. Jun Lozada and I thought I should share it with you:
patriots4truth.blogspot.com
The soundtrack it provides might help us discern the truth better about the man.
So should I believe Hello, Garci, too?
If I accept that “soundtrack” as gospel truth, I should accept Hello, Garci as such, too. These patriots for truth is not serving their amo very well.